Hello Guest!Join NowLogin
LOVE POEMS & QUOTES
  Latest Posts   Live Tracker   Popular Posts   All Blogs   Drilldown   Tags   My Favorite Blogs   My Blog

BLUEMIXEDEMOTIONS

 

PAG-IBIG

Puno ng kulay
Magkahalo, nakakalito
Ang kulay ay nakakasilaw, nakakabulag
Kulay na singtingkad ng sikat ng araw
Ito'y may kulay din na sintatag ng bato

May kulay na nabubura sa luha ng paninibugho
Merong maskara lamang ng isang mapaglaro
Minsan nama'y kusang nalulusaw, lumalabo
Lalo na kung ang puso ay nalilito
Lahat nang sobra ay naroroon na
Ngunit kadalasa'y may anggulong may kulang pa

Nagkasya sa isang abang puso
Ngunit ang sukat ay di mapagtanto
Walang hanggang dagat ng luha at pasakit
Nakakayang hamakin lahat, walang kapaguran
At tawirin ito kahit walang kasiguruhan
Matatag, mapaglaro, ngunit naging dahilan din ng siyang pagguho

Ito'y di lubusang naiintindihan
Ang Kulay kaninuman ay umaayon
Ngunit minsan ang panahon ay di tumutugon
O baka sa katotohanan ito'y salat
O siguro nama'y ito'y di nararapat

Makapangyarihan ang kamay na gumuhit
Pagkat sa puso ninuman ito'y nauukit
Larawan ng pag-ibig
Kaakibat ay hapdi't pait
Kundi nama'y kaligayahang walang kapalit
Nababatay lamang sa kung pag-ibig mo ay totoo
O sa kung ito rin ay isang balatkayo
Baka rin ang panahon ay di ukol para sa inyo


by: bluerose
25/04/08
22:52

bad
0
good
 
 

Comments

No comments so far.

Post a Comment

Please login to post a comment.

 
 
LoveLandia site is in BETA mode. Email us your reports & suggestions.
 
About | FAQ | Terms | Privacy | ContactCopyright © 2007 BoonEx. Powered by Shark 2.0b.
LOADING
PET:0.310897111893