Hello Guest!Join NowLogin
LOVE POEMS & QUOTES
  Latest Posts   Live Tracker   Popular Posts   All Blogs   Drilldown   Tags   My Favorite Blogs   My Blog

ehljhaey's blog

 

Buhay Pag ibig

[Bat ba sa tuwing masaya ako laging may kapalit na sakit?Ilang beses na ako nasaktan at nawalan.Gaya rin ng mga halamang inalagaan at binuhusan ko ng pagmamahal pero sa huli iniwanan din ako]
Parang kelan lang ang sakit na ito. Nawalan ako ng pagmamahal
Nawala ko ang inalagaan,minahal at binuhusan ng sobrang pagmamahal. Maaring isang simpleng bagay ka lang pero di mo alam kung gano ako kasaya pag ikaw ang kasama ko.
Wala ka na para magbigay ngiti sa labi ko,magbigay ng kulay sa buhay ko,at magparamdam ng tunay na saya.Kahit saan kasi may mga insektong umaaligid at handang sumira ng kahit sino..dahil ba ayaw nila akong nakikitang masaya? o naiinggit sila?
Mahirap sumuong sa buhay na alam mong wala ka karamay pero kinaya ko dahil tinuruan mo akong maging matapang at matatag. ilang tulo rin ng luha ang umagos sa mga mata ko.
tanggap ko na, wala ka na talaga sa buhay ko. Pero sa puso ko alam kong hindi pa ako tuluyang nakakalimot sa nakaraan dahil ba d kita tuluyang itinapon kasama ng mga basura? Bat ka ba bumalik? Para ba muling saktan ako? o habang buhay mo na akong bibigyan ng saya.?
Ibang iba ka sa dati..Kelan lang nung isa kang lanta sa isang tabi na kahit madiligan ka pa ng luha wala ng pag asang mabuhay.Ngunit eto ka sumasabay sa hangin.
Natatakot lang akong muli mo akong iwan..Kaya hanggang ngayon di ko maibigay ang pagmamahal na maaaring naibigay ko.Mahirap magdesisyon dahil mahirap din masaktan. Ayaw ko ng madagdagan ang sugat sa puso ko ngayon pa at unti unti ng humihilom. Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana, muli akong nagparamdam ng pagmamahal sa iyo.
Wala nga lang sa isip ko na pagkakataong ito ako naman ang mang-iiwan. Hindi para iparamdam din sa iyo ang naramdaman ko nung ako ang iwan mo pero dahil sa kahit nung una pa alam nating maghihiwalay din tayo..Kailangan kong lumayo para sa kinabukasan ko, sa pamilya ko at alam mong para sa iyo din.Bahagi ka ng buhay ko kaya bahagi ka ng kinabukasan ko..
Sa pagkakataong ito di ako nakakasiguradong sa muli nating pagkikita ikaw parin ang dating kilala ko. Maaring malanta ka habang wala ako sa tabi mo dhil wala ako na mag aalaga sayo at magbubuhos sa iyo ng pagmamahal. o hindi kaya may ibang taong handang sumalo sa posisyon ko at bigyan ka ng higit pa sa pinaramdam ko??
Dito..lumalayo ako sa bawat halamang handang magbigay kulay sa buhay. Dahil naniniwala akong ikaw lamang ang may kayang magpasaya sa akin. Ang masakit, may bago ka palang taga pag alaga.Nakalimot ka na..Unti unti kang nanlanta sa layo natin sa isat-isa
Ngayon gising na ako sa katotohanan na hindi lang laging insekto ang dahilan ng mga sira sa mga halaman.Nasa taga pag alaga din yun kung gano sila kaasikaso at sa halaman din mismo.
Kapag napabayaan nanlalanta sila at namamatay. Naging bulag lang ako sa katotohanang hindi lang siya ang halamang makapagbibigay sa akin ng saya.
Nagkulang kaya ako sa pag aalaga sa iyo o masiyado ka lang nalunod sa sobrang buhos ng pagmamahal na inalay ko???

Modified by ehljhaey
bad
2
good
 
 

Comments

ehljhaey
ehljhaey
comment permalink
bad
0
good
 
thats life..can figure out what would happen next
 
ehljhaey
ehljhaey
comment permalink
bad
0
good
 
for sure u cant really understand this..
its my language
 
rheilen
rheilen
comment permalink
bad
0
good
 
hahaha..next time gurl u have to translate so everybody can read it...But i understand it...Keep it up..
 
rheilen
rheilen
comment permalink
bad
0
good
 
hahaha..next time gurl u have to translate so everybody can read it...But i understand it...Keep it up..
 
rheilen
rheilen
comment permalink
bad
0
good
 
hahaha..next time gurl u have to translate so everybody can read it...But i understand it...Keep it up..
 
ehljhaey
ehljhaey
comment permalink
bad
0
good
 
can you translate it for me pls..hehe
 
ehljhaey
ehljhaey
comment permalink
bad
0
good
 
yah Filipino language>>tagalog
 


Post a Comment

Please login to post a comment.

 
 
LoveLandia site is in BETA mode. Email us your reports & suggestions.
 
About | FAQ | Terms | Privacy | ContactCopyright © 2007 BoonEx. Powered by Shark 2.0b.
LOADING
PET:0.362323999405