 | Marungis Kaluluwa'y ligaw at namimighati Naghihinagpis Dulot ng buhay na malupit Lumuluha Dahil pinilit abutin ang tala
Saan ka patungo Landas mo'y lumalabo Mundo'y mabilis ang pag-ikot Nililiyo't nililito ang yong puso Matamis na alak Pumawi sa uhaw, ginawa kang talamak Bawat patak hinugis iyong kanlungan
Ikaw ay baliw Kasinungalingang iyong tinanggap Ikaw ay baliw Sa buhay ikaw'y sumuko't bumaliktad Sa tamang daan ikaw'y lumihis Dahil sa puso mong baliw Dahil sa isip mong nabulag sa pag-ibig Ikaw'y natuluyan, nasiraan ng bait
Written by: Bluerose 2008 May 28th 21:35
|  |