Hello Guest!Join NowLogin
LOVE POEMS & QUOTES
  Latest Posts   Live Tracker   Popular Posts   All Blogs   Drilldown   Tags   My Favorite Blogs   My Blog

GERALERIARICH's blog

 

Anong Pag-ibig

Sa tuwing magdidilim, hinahanap ng gunita
Ang init na pilit itinatakwil.
Mga tuyot nang labing puno ng uhaw
at sabik sa pagsintang kumikitil.

Ang sandaling di mabitawan
pilit hinahagkan ng alaala't isipan.
Mapait, masarap, damdaming di malimutan.
Ang ating pagkawalay ay tiyak na kamatayan.

Sa bawat sandaling tayo'y magkasundo
Sa mga tawa at ngiting iyong pinalasap,
Magkawalay man ay aking babaunin,
Pag-ibig na siyang kumikitil.

Sa aking paglisan tiyak ko ang pagdagsa
Ng mga sabik upang patuloy kang makasama.
Tiyak din naman ang saklap kong sinapit,
Ang sa kanila'y bibigay mo ng walang pilit.
bad
0
good
 
 

Comments

No comments so far.

Post a Comment

Please login to post a comment.

 
 
LoveLandia site is in BETA mode. Email us your reports & suggestions.
 
About | FAQ | Terms | Privacy | ContactCopyright © 2007 BoonEx. Powered by Shark 2.0b.
LOADING
PET:0.312434911728