 | Alam mo ba kung bakit tahimik lang ako sa tuwing nagkikwento ka tungkol sa kanya? Nasasaktan kasi ako. Kitang-kita naman, eh. Halata nga ng buong barkada. Ay, mali! Hindi pala lahat. Ewan ko kung bakit pero parang may isang tanga - ikaw.Naaalala mo ba ung araw na manonood ka dapat ng archery competition ko? Nag-promise ka pa nga, di ba? Nandun ang buong tropa kahit hindi nila hilig ang sports na yun. Nag-cancel pa nga ng date si Jake, eh. Pero ikaw, hindi ka sumulpot. On the last minute kasi, nagyaya ang girlfriend mo na mag-shopping. Siguro nga mahal na mahal mo sya. Ayaw na ayaw mo kasing mag-shopping. Hilig mo ang archery. Ikaw pa nga ang nagturo sa akin, di ba? Pero mas ginusto mong mag-shopping kesa panoorin at suportahan ako.
Ok lang, nanalo naman ako nung gabing yon. Sabi ni Kuya Mark, iba raw ang intensity ng mga tira ko. Pero alam kong alam nila na galit ako at nilalabas ko un sa mga tira ko.
Nagcelebrate ang tropa sa bahay nina Jen. Sumulpot ka kasama ang girlfriend mo. Patay! Nilabag mo ang Rule #3 ng barkada: No outsiders allowed sa mga gimik (gf/bf, other friends, bro/sis, cousins). Lalo na sa ganitong pagkakataon. Minsan, pwedeng makalusot pero dapat may paalam ahead of time.
Deadma na lang ang lahat - lalo na ako. Ni hindi nga ako ngumiti nung binati mo ako. Nagmukhang tanga ung gf mo. Walang kumakausap sa kanya, ikaw lang.
Nagkulong ako sa kwarto ni Jen. Umiiyak na ako. Nung una, ung mga girls lang ang kasama ko sa loob. Tapos unti-unting pumasok sina Kuya Mark, si Jake, si Wes... Hanggang sa point na lahat kaming anim nasa loob na.
Galit si Kuya Mark. Buti na lang napigilan sya nina Ira at Wes. Nag-reason naman si Jake. Alam ko naman raw na may mga rules ang barkada. And isa na dun is walang taluhan sa tropa. So kahit alam mo pa na mahal kita and if ever mahal mo rin ako, hindi tayo pwede. Labag sa mga rules.
Nagtaka ang gf mo kung bakit wala ng tao sa sala o sa kusina. So umuwi na lang sya dahil ramdam nyang hindi sya tanggap. Kumatok ka sa kwarto. Hindi ka na nagtanong kung ano ang problema dahil obvious naman sa mga mukha namin na hindi namin sasabihin.
Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sayo. Kung may sikreto man ang barkada at hindi ka kasali, hinahayaan mo na lang.
Niyakap mo ako sabay "Congratulations" ulit. Mas lalo akong nainis dahil hindi ka man lang nag-sorry na hindi mo natupad ang promise mo. Hinayaan ko na lang. So ayun, tuloy na naman ang inuman.
Masaya ang barkada nung gabing yon. Kinalimutan ko na lang ang galit ko sayo at nagpakasaya na rin.
Pero lahat ng bagay may katapusan. Syempre, pagod na ang lahat. Sabi ni Jen, ok lang raw na mag-stay na lang tayong lahat. Lasing ata ang buong barkada.
Pero gusto kong umuwi. Nag-offer sina Kuya Mark na ihatid ako. Tumanggi ako. Kaya ko namang magmaneho. Ikaw, ano ang ginawa mo? Wala... Natutulog ka na kasi, eh.
Umalis na ako. Nagsimula na naman akong umiyak. Dahil sa kalasingan, o marahil sa mga luha ko... Hindi ko nakita na may paparating palang sasakyan. Ang huli kong matandaan ay ang malakas na busina at ang agad kong pagpreno.
Nung magising ako, nasa hospital na ako. Nakita kita sa tabi ko, hawak mo pa nga ang kamay ko. Umiiyak ka at sinasabing mahal na mahal mo ako... Simula pa nung una. Takot ka lang sa barkada dahil bawal nga. Ang saya saya ko! Pareho pala tayo ng nararamdaman. Nag-sorry ka rin kung bakit natulog ka agad at hindi na ako naihatid. Marahil hindi nangyari ang aksidente kung napigilan ako sa pag-alis ng mag-isa, sabi mo.
Umiiyak na rin ako pero hindi mo nakikita. Nasa langit na kasi ako. Nalulungkot ako na kinailangan ko pang mamatay para lang malaman na mahal mo rin pala ako. Sabi ng anghel, may oras pa raw ako para bumalik. Ayoko na. Ok na sa akin na umiiyak ka dahil wala na ako. Basta alam kong mahal mo pala ako, ok na ako. Tama na sa akin yon.
Hihintayin na lang kita rito. Ayaw nilang sabihin kung kelan ka talaga darating, eh. Pero wag kang mag-alala, hihintayin pa rin kita. Promise.
Siguro by that time, pwede mo ng ipaliwanag sa akin kung bakit ba talaga hindi ka sumulpot sa competition ko. Mahal mo naman pala ako, so mas lalo akong naguguluhan.
Hindi rin nga pala kita sinisisi sa pagkamatay ko. Alam ko namang mahilig kang matulog, eh.
Hihintayin kita, ha. Pero wag kang magmadali. Baka kasi malungkot lalo sina Kuya Mark, Jake, Wes, Ira, Jen at Cassie. Mahal na mahal ko kayong lahat at kapag nagkita na tayong lahat ulit, tiyak na walang katapusang party.
Written by princessheart
Submitted by princessheart |  |