 | Bakit ka ba ganyan?
Gustong-gusto mo ba talaga kong nakikitang nahihirapan?
Ganyan ka ba talaga katanga para di mo maramdamang mahal kita?
Oo... "Bestfriend mo lang ako!!!"
Pero di mo ba napapansin na higit pa sa ginagawa ng isang bestfriend ang sinasakripisyo ko para sayo...
Kung alam mo lang kung gaano ko nasasaktan hab*ng kinukwento, o sa'kin ang mga babae mo?
Kung gaano mo sya kamamhal...
Kung ano ang pinagagawa nyo...
Para narin akong pinapatay pagnakikita kong nasasaktan ka!
Kung pwede lang na ako nalang sasalo ng bawat stick ng sigarilyo mo,
At ako nalang iinom ng bawat bote ng alak na iniinom mo?
At kung maari na ako nalang ang dumanas ng sakit para sayo...
Lahat yon gagawin ko para sayo, pero ni isa ba don napansin mo?
Kahit na sobrang sakit sa parte na payuhan kang intindihin mo nalang ang taong mahal mo,
Kung may magagawa lang ako wag lang masira ang buhay mo!
At sa huli sa'kin ka pa rin lalapit kapag nasaktan ka,
Kahit pa manhid ka,di ako magsasawang mahalin at alagaan ka...
At ngayong suko na ko sa kakahintay ng oras na mamahalin mo rin ako,
Ang hinihiling ko nalang wag kang bibitaw sa frienship natin...
At proud akong isisigaw sa madlang pipol na...
"Masarap maging shock absorber!"
Ikaw tanga ka rin ba?
Written by MarLeah
Submitted by MarLeah |  |